Warning: count(): Parameter must be an array or an object that implements Countable in /homepages/44/d93618075/htdocs/www.sabangDisciples.org/wp-includes/post-template.php on line 284
Nov
6

Sakit sa Puso sa mga Kababaihan

Home > Health > Sakit sa Puso sa mga Kababaihan

By: Dr. Willie T. Ong

          

Sakit sa Puso

 

Ang sakit sa puso ay ang pangunahing sanhi ng pagkamatay sa mundo. Dati rati  ay iniisip natin na ang mga lalaki lamang ang madalas magkasakit sa puso. Pero ayon sa bagong datos, dumarami na ang mga babaeng inaatake sa puso

Bakit ito  nangyayari ? Heto ang iilan sa mga dahilan:

1. Kapag ang babae ay nag-menopause, o lampas na sa edad 50, tumataas na ang tsansa niyang magkasakit sa puso. Ito ay dahil nawawala na ang proteksyon na ibinibigay ng estrogen hormones. Kapag wala ng regla ang babae, bumababa na ang kanyang estrogen hormones. Sa katunayan kapag lumampas na sa edad 65, may pagkakataon na mas marami pang babae ang inaatake sa puso kumpara sa mga lalaki.

2. Iba ang sintomas ng atake sa puso (heart attack) sa lalaki kumpara sa babae. Sa mga lalaki nakaramdam sila ng paninikip ng dibdib. Ngunit sa mga babae, ang sintomas nila   ay kakaiba, tulad ng hirap sa pag hinga, pagsusuka, pagkahilo, at pagkawala ng malay. Minsan, hindi sumasakit ang dibdib ng mga babaeng inaatake sa puso. Dahil dito ay dapat maging maagap at dalhin agad ang pasyente sa ospital kapag may ganitong sintomas.

3. Mas marami ang babaeng matataba kumpara sa lalaki. Ayon sa pagsusuri, 31% ng mga kababaihan, edad 50 hanggang 65 ang sobra sa timbang o overweight. Kung ikukumpara sa mga lalaki, 4.3% lang ang matataba. Nakakagulat, hindi ba ? marahil  ito ay dahil inuubos ng mga nanay ang tirang pagkain sa bahay kapag sila ay stress o may problema, o dala ng panghihinayang na ito ay masasayang lang.

 

Bukod sa mga nabanggit, may mga risk factors na parehong nakikita sa kalalakihan at kababaihan. Tataas ang tsansa mong magkasakit sa puso kung ikaw ay mayron ng sumusunod: high blood pressure, mataas ang cholesterol, may diabetes, naninigarilyo, kulang sa ehersisyo at may lahi ng sakit sa puso.

 

TANDAAN: Nakamamatay ang sakit sa puso. Ingatan ang iyong puso sa pamamagitan ng tamang pamumuhay at pag inom ng maintenance na gamot kung kinakailangan.

 

NGUNIT HUWAG KALILIMUTAN, ANG DIYOS ANG MAY HAWAK NG ATING BUHAY, SIYA ANG DAKILANG MANGGAGAMOT, NOON NGAYON AT MAG PAKAILAN MAN. ( Hebrew 13: 8 )