Warning: count(): Parameter must be an array or an object that implements Countable in /homepages/44/d93618075/htdocs/www.sabangDisciples.org/wp-includes/post-template.php on line 284

Benguet Mission Challenged! – May 2012

 

ni Wilma Pelagio

Purihin ang Diyos sa matagumpay na pagkakaganap ng Benguet Mission Challenge 2012 na may temang “The Church Responding to the Season of Growth” na ginanap noong May 21-25, 2012 sa Sitio Lomboy, Bakun, Benguet. Ang Sitio Lomboy ay binubuo ng 16 na bata, 8 kabataan, 12 na kababaihan, 9 na kalalakihan sa kabuuan ay 27 na pamilya meron ang sitiong ito. Malayo at mahirap marating ang lugar na ito sa kadahilanang wala pang kalsada na nagawa papunta sa kanilang lugar, kaya kaming 10 na nagmisyon dito ay kinailangang maglakad ng mahigit 1 oras upang marating namin ang mission point – ang Sitio Lomboy.

Sulit naman ang aming pagod sapagkat napaka-init at napakasaya ang kanilang pagtanggap sa amin. Bakas sa kanilang kilos at mukha ang kagalakan sa aming pagdating “Umali kayo” ito ang sabi  nila sa amin, isang wikang KanKana-ey na ang ibig sabihin ay “You’re welcome”, Tumuloy kami sa isa sa simbahan natin doon-ang UCCP Lomboy, dito nanambahan ang mga kapatid natin at nagwelcome sa amin, may tatlo silang manggagawa doon, sila ay sina Pastor Robert, Pastor Leonard at Pastor Jerbson, sila ang mga nakatuwang naming upang maisagawa ang aming daily activities, kasama rin si Pastor Virgil Tejada ang “Mission Program Coordinator ng NLJ(North Luzon Jurisdiction) ng kumperensiya natin sa Baguio. Masasabi kong mayaman at maunlad ang Sitiong ito sapagkat sagana sa palay, gulay, prutas at tubig, may mga alaga din silang hayop gaya ng manok na siya nilang kinakatay bilang pakain pagdating ng anihan dahil itoy bayanihan. Marami kaming naituro sa mga kababaihan dito lalo na sa pagluluto, gayun din sa kalinisan sa loob at labas ng tahanan. Ang mga bata naman hanggang sa kabataan ay pinangunahan ni Titser Liza, Anjell at Darwin ang pagtuturo sa kanila. Marami din kaming natutunan buhat sa kanila gaya ng pagbubugaw ng maya sa kanilang palayan, nagpunta din kami sa ilog kung saan may mga taong nag-gogold panning. Sinubok namin itong gawin at totoo nga, may ginto sa kanilang ilog, at ang ilog na ito ang dumudugtong hanggang sa bayan ng Abra. Napakayamang karanasan ang makasama sa gawaing pagmimisyon sapagkat hindi mo lang mararating at makilala ang lugar ng mga taong ito kundi talagang makakasalamuha at mamumuhay ka ng gaya nila, mararanasan at mararamdaman mo ang tunay na buhay ng mga kababayan nating ito, ang mga IP’s or indigenous People ng Benguet na kung tawagin nila ang kanilang sarili ay isang “KanKana-ey”