Warning: count(): Parameter must be an array or an object that implements Countable in /homepages/44/d93618075/htdocs/www.sabangDisciples.org/wp-includes/post-template.php on line 284

Pagiging Mabuting katiwala ng mga kaloob ng Diyos

 

 

 

Bawat isa sa ating mga anak ng Diyos ay pinagkalooban ng kaalaman, talento at galing na dapat nating pagyamanin at ipamahagi sa iba. Ayon nga sa 1 Pedro 4:10, “Bilang mabubuting katiwala ng iba’t ibang kaloob ng Diyos, gamitin ninyo ang kakayahang tinanggap ninyo sa ikakapakinabang ng lahat.”. Bilang mabubuting katiwala ng Panginoon, dapat nating ipamahagi ang ating mga kakayanan at talento sa iba hindi lamang upang makatulong, at maging inspirasyon sa kanila, kundi paraan din ito upang maitaas natin ang pangalan ng ating Panginoon upang maibalik natin ang lahat ng mga biyaya at kaloob na galing sa Kaniya, mapa musika, sayaw, pagtuturo at kung anu ano pa.

Ang  LENS Club (Life, Events, News, Service) ay  isang ministeryo para sa mga taong mahilig kumuha ng mga larawan o retrato na sumasalamin sa ating buhay kristiano. Naglalayon kaming maibahagi ang aming kaalaman at talento sa iba. Isa lamang halimbawa ang LENS Club sa mga ministeryo sa ating simbahan na hindi lang naglalayon na makapagbahagi ng talento at kaalaman kundi makatulong din sa mga nangangailangan. Ang aming mithiin ay makatulong sa mga batang hindi nakakapag-aral, upang matulungan silang maabot ang kanilang mga pangarap ng hindi ito nahahandalangan ng kakulangan sa pinansyal na pangangailangan.

Ang mga patuloy na kaloob at biyaya na natatanggap natin mula sa Diyos ay patunay lamang na walang hanggan ang pagmamahal niya sa atin. At upang maging isang mabuting katiwala ng ating Panginoon, tulad ng pagmamahal niya sa atin, mahalin at pangalagaan din natin ang bawat biyaya at talentong pinagkakaloob niya satin.

(Article by: Catrisha Mendoza)