Warning: count(): Parameter must be an array or an object that implements Countable in /homepages/44/d93618075/htdocs/www.sabangDisciples.org/wp-includes/post-template.php on line 284

Palawan:The Basiao Experience

by Wilma Pelagio

Ang Basiao ay isang barangay sa Quezon, Palawan na ang karamihang naninirahan dito ay pawang mga natibo o katutubong Palaweño. Simple lang ang takbo ng pamumuhay nila dito, nanggagaling sa dagat ang kadalasang resources ng kanilang hanapbuhay at pagkain at ito ay sa pangunguha ng alimasag, at iba pang lamang dagat. Ang kanilang mga tahanan ay simple lang din ang yari o gawa sa sawaling dingding at pawid ang bubong.  Isa ang aming grupo sa limang hinati-hating grupo ng mga mangagawa sa ginawang LCSMC United Church Workers Mission Retreat na nagpunta dito sa Brgy. Basiao.  Dito mayroong isang outreach or worshipping congregation na nabuo sa pangunguna ni Pastor Ike Fernando na pastor din sa isa pang iglesya na UCCP Anilao.

May apat na grupo ng katutubo ang dumadalo sa outreach na ito na bumababa galing  bundok upang sila ay makadalo sa lingguhang pananambahan. Nagpunta ang aming grupo dito upang tulungan sila sa pagsasaayos ng kanilang bahay-sambahan na sa tulong ng ating Kumperensiya ay binigyan sila ng P10,000 upang maisaayos ang nasabing  bahay-sambahan.  Dumating kami roon nang may mainit na pagtanggap sa amin. Sa sama-sama at masayang paggawa ay natapos sa buong maghapon ang kanilang kapilya. Pagdating ng gabi nagkaroon kami ng fellowship, nagpakilanlanan ang bawat isa at nagpakita rin sila ng mga talent sa pamamagitan ng pag-awit.  Tunay na naging masaya at makabuluhan ang fellowship na iyon na halos ayaw na nilang matapos at tila ba uhaw sila lagi sa pagpupuri at pagsamba sa ating Panginoon.  Labis kaming humanga sa mga kapatid nating ito sa Basiao, dahil sa init, sipag at tiyaga nila sa paglilingkod sa Panginoon.

Kinabukasan nang maagang-maaga ay umalis na ang aming grupo sa lugar na ito, at dala namin ang espiritu ng kagalakan, kalakasan at kasiglahan dulot ng mga kapatirang ito sa Panginoon.  Mabuhay at pagpalain pa lalo ng Panginoon ang mga gawain at kapatiran nating ito sa Palawan.

Fellowship Service at Night

Livelihood from the land

Livelihood from the sea