Warning: count(): Parameter must be an array or an object that implements Countable in /homepages/44/d93618075/htdocs/www.sabangDisciples.org/wp-includes/post-template.php on line 284

Reflections from CYF Campers – Dec. 2011

Camp Insight from the CYF campers

 

I was blessed. The camp made me realize that life is full of challenges.. and the only way to solve them is by having faith on our Father. Daniellie Fauni,14

Life is a big battle… but we should fear not for our Lord will fight for us, we just have to be still.. and believe that our Father in heaven will protect us always…. Sarah, 19

“Ang aking natutunan at masasabi sa Christmas camp ay nag-enjoy ako dahil kahit na may kaunting problema akong dala-dala sa pagpunta namin sa pinaka camp ay nabawasan ito habang lumilipas ang mga araw namin doon. Doon ako sumaya at doon ko din nailabas ang mga problema sa aking pamilya. Lalo na sa blessing of the water, noong hindi pa ako nilulubog sa tubig ay may kaunting problema akong nararamdaman at pagkatapos ilubog ako ay para bang nakalimutan ko ang aking mga problema kaya enjoy talaga ang Christmas camp sobra.”  Genesis Saquilayan, 14 on “Blessing of the Water” Session

“Para sa akin napakasaya ng nangyari sa camp lalo sa pagpupuri sa Panginoon na dakila sa lahat, ito ang aking masasabi. Kahit pagod ako sa mga challenges, kahit wala akong boses, patuloy akong nagpupuri sa Kanya at hindi ko naisipang sumuko. Kahit na maraming naging challenges sa camp, masaya ako dahil masaya ang lahat at ibinibigay nila ang lahat lahat para kay Hesus.” Gerson Baysa, 19 on Worship Sessions

“Napakagaan ng aking pakiramdam ng ma-isurrender ko ang mga problema ko at humingi ng kapatawaran sa Diyos.” Darwin Siervo, 16 on “Surrender all to God”

“Para sa akin, masaya ako sapagkat nung binigay sa akin ang sulat galing sa aking nanay sobrang natuwa ako. Sapagkat doon ko lang naramdaman ang tunay na pagmamahal sa akin ng aking magulang. Nagbigay rin kami ng kanya-kanyang sharings o reaction tungkol sa sulat. Kaming lahat ay sobrang saya.” Mark Mabbatung, 14 on “Letters from Parents” Session

“Tunay na mabuti ang Diyos. Mainit ang pagmamahal Niya tulad ng apoy sa Campfire. Lalo pang nagpainit ang sigla at tuwa ng mga kapwa ko camper noong gabing iyon. Nakikita ko ang kadakilaan ng Diyos sa tuwing nakakasama ko ang aking mga kapwa kabataan sa pananampalataya na siyang natunghayan ko sa camp na ito. Sa Diyos ang papuri!”    – Anjell Samonte, 20 on Campfire

“Blessed na agad ako noong first day ng camp namin, lalo na yung topic namin ay tungkol sa mga tatay. Gumaan ang loob ko sa message at sa kantang “Dance with my Father” na pinakinig sa amin. Doon ko talaga narealize na tunay ngang mahalaga ang ating mga tatay sa atin. Hindi natin sila dapat ikahiya, ipagmalaki natin sila at mahalin. Kaya ipinagmamalaki ko at minamahal ko ang aking tatay. Magpasalamat tayo sa Diyos dahil nagkaroon tayo ng tatay na tulad nila.” Cherlene Sapida, 14 on “What’s your Father Like?” Session

“First time ko lang makatanggap ng sulat na galing sa aking mga magulang at ito ay nangyari lamang sa LCSMC camp. Dahil dun ay naramdaman ko ang kahalagahan ko sa kanila at ang pagmamahal nila sa akin bilang isang anak. Ang sarap pala sa feeling! Napakabuti talaga ng Panginoon!” Johnmark Luna, 20 on “Letters from Parents” Session

“Doon ko nalaman kung gaano kami kamahal at kahalaga sa Diyos. Nanliit ako dahil nalaman ko na yung mga problemang hinaharap ko ay napakababaw lang kumpara sa hirap ng problema ng iba. Pero kahit marami kaming problemang hinaharap doon namin nararamdaman ang pagkilos ng Diyos sa bawat isa. Sobrang sarap sa pakiramdam kapag nasaiyo ang Diyos, kapag alam mo na kasa-kasama mo siya sa bawat hakbang at kilos na ginagawa mo.” Trisha Mendoza, 18 on Group Sharing Sessions

“Isang beses nagkaroon kami ng sharing na kasama namin ang aming mga ka-church members. Sa aming pagsha-sharing, ay aking natutunan na dapat ibahagi mo rin ang iyong mga natutunan at mga naranasan mula sa kapangyarihan ng Panginoon sa iba, upang maging isa kang inspirasyon sa kanila at matanggap rin nila ang blessing na aking natanggap, ang salita ng Diyos.” Bethel Relao, 16 on Church Sharing Session