Gospel Q&A in Tagalog
Kung ikaw ba ay mamatay sa oras na ito, nakakasiguro ka ba na sa langit ka pupunta?
Kung nasa langit ka na at tanungin ka ng Dios, “Bakit kita papapasukin?”, alam mo ba ang iyong isasagot?
Sino si Hesu-Cristo sa iyong buhay? Kilala mo ba siya?
Kung hindi mo alam ang kasagutan sa mga tanong na ito, simulan mong basahin ang mga paksa sa ibaba.
Mga Tanong Tungkol Sa Kaligtasan at iba pang Paksa
Si Jesus ba ang tanging daan para makapunta sa Langit?
Ang Mabuting Balita ng Kaligtasan
Mga Katanungan tungkol sa Diyos
Mga Katanungan tungkol kay Hesu-Kristo
Mga Katanungan tungkol sa Banal na Espiritu
Mga Katanungan Tungkol sa Kaligtasan
Mga Katanungan tungkol sa Banal na Kasulatan
Mga Katanungan tungkol sa Iglesia ng Diyos
Mga Katanungan tungkol sa Wakas ng Kapanahunan
Mga Katanungan tungkol sa mga Anghel at Diyablo
Mga Katanungan tungkol sa Sanlibutan
Mga Katanungan tungkol sa Teolohiya
Mga Katanungan tungkol sa Kristiyanong Pamumuhay
Mga Katanungan tungkol sa Pananalangin
Ako ngayon ay sumampalataya na kay Jesus… ano pa ang dapat kong gawin?
________________________________________________________________
Mga Talata sa Banal na Kasulatn Patungkol sa Kaligtasan o Buhay na Walang Hanggan
“Ito ay sapagkat ang kabayaran nga ng kasalanan ay kamatayan ngunit ang walang bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na ating Panginoon. ” Mga Taga Roma 6:2
“Tanging ang ating pananampalataya sa tinapos niyang gawain sa krus ay ang kaisa-isa at tunay na daan patungo sa buhay na walang hanggan, at ito ay hindi sa inyong sarili, ito ay kaloob ng Diyos. Ito ay hindi dahil sa gawa upang hindi magmalaki ang sinuman.” Mga Taga Efeso 2:8-9
“Ngunit ipinakita ng Diyos ang kaniyang pag-ibig sa atin na nang tayo ay makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atin.” Mga Taga Roma 5:8
“Ito ay sapagkat sa biyaya kayo naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya ng pagkabuhay muli ni Jesucristo mula sa mga patay.” 1 Pedro 1:3
“Ipahayag mong si Jesus ay Panginoon at sampalatayanan mo sa iyong puso na binuhay siyang mag-uli ng Diyos. Kapag ginawa mo ito, ikaw ay maliligtas.” Mga Taga Roma 10:9
“Ito ay sapagkat sa ganitong paraan inibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”
Juan 3:16